Langit

 

Tablo reader up chevron

Langit

 Isang madilim na langit ang bumungad saakin pagkababa ko ng bus na sinasakyan ko mukhang uualanin yata ang maynila ayon sa balitang napanood ko kagabi. Kinuha ko ang payong na baon ko para naman maging handa ako kapag bumuhos na ang ulan. 


 napatingala ako ng unti unti ng pumatak ang mga butil nito sa ulo at katawan ko, noong bata pa ako ay hilig ko na ang pagpapaulan naaalala ko pa nga kung gaano ako kadalas maligo sa ulan noon. Ngunit ngayon na matanda na ako mas narealize ko na mas mahal pala ang gamot kesa sa payong kaya mas minabuti ko na baguhin ang nakasanayan. Binuksan ko ang payong na dala dala ko at agad na yinakap ang makakapal na librong hawak hawak ko.


Linagpasan ako na ang building uno kayat panigurado akong hindi na talaga ako aabot sa Building sais ng hindi basa bakit na kasi naroon pa ang Building ng educ yan tuloy nag tityaga ako dito sa ilalalim ng ulan. Tumigil ako sa ilalim ng isang waiting shed  malapit sa building tres kung saan madalas na nakatambay ang mga engineering at kung saan madalas akong napapadpad kapag vacant ko.


Habang abala ako sa pag punas sa aking sarili ay natanaw ko siya. Masaya itong tumatawa habang nakikipagkwentuhan sa isa niyang kaibigan. Hayyy bulong ko sa sarili ko kailan ba ako makakalapit sayo? Ngingiti ka din kaya ng ganyan kapag ako na ang kasama mo?. Abot tahip ang kaba ang aking dibidib ng bigla itong lumingon sa direksyon ko kayat madali akong nagkunwaring may kung anong ginagawa kahit na sa totoo lang ay hindi magkamayaw ang mura at ngiti ko sa aking labi, sa wakas kahit aksidente lang nakita niya rin ako.


Tumigil na ang malakas na ulan ngunit narito pa rin ako sa waiting shed pinapanood ang bawat galaw niya sa malayo, gaya lang ng dati. Muli kong sinulyapan ang profile niya sa cellphone ko kung saan nakalagay ang salitang follow na makailang beses ko ng pinagtangkaaang pindutin ngunit hindi ko kayang gawin.


Mula sa mga larawan niyang nakaw ko lang sa Facebook ay dito lang muli ako nakakatyempong mapagpantasyahan siya ng personal. Sana, sana bulong ko muli sa sarili ko. Isang babae ang dumaan sa harap ko matangkad, maputi, maganda isang tipikal na gugustuhin ng kahit sino. Napawi ang ngiti ko. Sino nga ba naman ako kumpara sakanya. Sino nga ba naman ako para hilingin ang tulad niya. Na ni kahit isang sulyap ay hindi niya mapaunlakan man lang.


Tumayo na ako at nagpasyang maglakad palayo, palayo sa katotohanang kahit gaano man ako lumapit ay hindi ko pa din kayang abutin ang isang kagaya niya. Na kahit pa yata baliktarin ko ang mundo ay mananatili pa rin siya sa kabilang bahagi nito bahaging hinding hindi ko maabot.


Tumingala ko sa langit. Lord kahit konti lang please kahit aksidente lang kahit hindi totoo kahit alam kong imposible bigyan niyo naman po ako ng konting pagasa sakanya kahit masakit po tatanggapin ko. 


Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like xxCrazyPenxx's other books...