short stories

 

Tablo reader up chevron

Introduction

Mga maikling kathang-isip

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Sa aking Ina......

       Sa lahat nga bagay dito sa mundo, isa lang naman ang kinasuklaman ko. Talagang hindi ko matanggap na kabilang siya sa mundong ginagalawan ko, na isa siya sa mga dahilan kung bakit ako humihinga at kung bakit ako nandito sa mundo. Siya ang isa sa mga dahilan kung bakit nakikita ko kung gaano kaganda ang buhay, kung bakit ako nagsusumikap sa buhay. Siya---walang iba kundi siya. Pero siya din ang dahilan kung bakit ako galit, malungkot, naghihirap at higit sa lahat siya ang dahilan kung bakit ako kulang. Para bang binigay niya lahat at kinuha din niya ang lahat, wala siyang itinira na ligaya at saya, nung umalis siya para bang parating gabi ang mga araw na nagdaan, puno ng dilim, tahimik, puno ng pait at lungkot. Hindi ko maintindihan kung paano, sa kung  anong dahilan at nagawa niya sa amin ng Itay ang bagay na ito. Sabi ng mga kapitbahay hindi na raw niya kinaya ang kahirapan namin, ang pagiging isang kahig isang tuka. Hindi na raw niya natiis ang baho sa aming paligid na lagi na lang dahilan ng kanyang pagsusuka, ang ingay sa lugar namin mula sa mga kapit-bahay na tila ba tinakasan ng panahon at walang alam tungkol sa oras. Hindi na raw gustong bumalik sa lugar namin na pugad daw ng mga criminal, pugad daw ng mga durugista, manyakis, magnanakaw at kung ano-ano pa. Sa mga bagay na isiniwalat ng aming mga kapit-bahay iba’t-ibang emosyon ang makikita mo mula sa kanilang mga mata maging sa kanilang mga mukha, hindi nila naitago ang pagkasuklam para sa aking Ina, kung ano ang dahilan- hindi ko alam, mayroon namang nang-uuyam na para bang mas mabuti pa sila kaysa sa aking Ina, na sila ay matiisin, sila ay tunay na nagmamahal sa kanilang pamilya at wala silang planong umalis, ang iba naman ay awa ang iyong maaninag, kung para kanino ay hindi ko mawari, pwedeng kay Nanay pero pwede rin na para sa akin, sa akin na paslit pa lang ay iniwan na ng Ina, hindi maalagaan ng Ama dahil naghahanap-buhay. Tila ba sa kanilang mga mata isa akong kaawa-awang tuta, walang magulang, walang ibang mapuntahan kundi sa lugar na iyon.

                Tinatanong ko si Ama kung may panahon, pero iniiwasan ko na rin yan, dahil parati na lang nauuwi sa pag-iyak ni Ama ang mga alaalang kasama si Ina. At tuwina ay natatapos kami sa mga tanong niya na Bakit? Saan? Paano? Sino at kung babalik pa ba si Ina. Naaawa ako kay Ama pero nasasaktan din ako para sa kanya.

                Gumawa ako ng sulat mula nung araw na bumalik si Ina, mga pangyayaring alam kong dudurog na husto sa puso ng lalaking pinakamamahal ko- ang aking Ama. 

Sa babaeng Ina ko raw,

                Kumusta ka na? kilala mo ba ako? Naaalala mo pa ba ako? Kung hindi na, magpapakilala na lang ako. Ako si Beatrice, anak mo kay Anselmo Bartolome, labintatlong taong gulang. Nakatira kami ni Ama sa Tondo, Manila, sa lugar kung saan mo kami iniwan, sa lugar na isinusumpa mo. Isinumpa mong hindi na muli pang pupuntahan at babalikan!

            Nandito pa rin kami ni Ama, naghihintay…umaasa. Pero si Ama lang yun, kahit kalian hindi ko pinanabikan ang araw na babalik ka, wala akong pakialam kung babalik ka pa o hindi na. Pero hayaan mo akong pasalamatan ka, salamat sa pagluwal sa akin sa mundo, dahil sayo nakilala ko si Ama na sobrang bait, sipag at sobrang matiyaga at mapagmahal. Kung inaakala mo, katulad ng lahat na nag-iwan ka ng malaking butas sa aking pagkatao ay nagkakamali ka. Kung ano man ang iniwan mong butas, tinakpan lahat yun ni Ama. Lahat ng wala ako, binigay lahat ni Ama, doble pa.

            Sa totoo lang hindi kita kilala, bagaman pinakilala ni Ama gamit ang mga larawang nagyon ay kupas na. araw-araw ka niyang pinapakilala sa akin, palagi niyang sinasambit ang pangalan mo, para daw hindi kita malimutan, at hindi ka masaktan kung hindi man kita kilala. Sa kabila ng lahat ikaw pa rin ang inintindi ni Ama. Para mapasaya siya ay maigi akong nakikinig sa bawat kwento niyang ikaw parati ang bida. Tumatawa ako kapag natutuwa siya sa mga kwento niya. Pero sa totoo lang, wala akong makapang saya dahil sayo.

            Marami akong natutuhan dahil wala ka sa buhay ko. Marami akong nalaman ng hindi kinailangan ang tulong mo. Nakaya  kong bumangon kapag nadadapa ako na walang kamay mula sa yo. Akala mo ba masaya ako nung ibinalita sa akin ni Ama na bumalik ka na daw? Na hinahanap mo ako?—ang sagot ay hindi. Isang malaking hindi!  Pero Masaya ako para kay Ama, Masaya akong makita siyang nakangiti at masaya. Maliwanag ang mukha at nagniningning ang mga mata. Pero unti-unti iyong nawala ng aminin mong may iba kang asawa- may pinag-aralan, makisig at higit sa lahat mayaman. Malayong-malayo kay Ama, at bumalik ka lang para kunin ako. Sa tingin mo ba sasama ako sayo? Sa tingin mo ba iiwan ko si Ama? Ang nag-iisang taong kilala ko at pinakamahalaga sa’kin para lang sumama sayo? Nasan ang puso mo? Daig mo pang ang mga criminal!  Wala kang awa!, wala!

            Halos manlupaypay si Ama dahil sa sinabi mo pero pinilit niyang intindihin yun, pinilit niyang ibuka ang bibig at ngumiti, pero alam ko, tumatangis na siya sa loob niya. Gustokitang awayin, sigawan at palayasin sa bahay namin. Wala kang karapatan na gawin to kay Ama. Pero alam kong masasaktan ko si Ama kaya itinikom ko na lang aking bibig.

            Sana man lang nag-isip ka kahit konti kung sasama ba ako sayo, dahil kung ako lang----hindi!. Wala akong pakialam sa sinabing mong magandang bahay, maraming laruan at masarap na mga pagkain. Hindi ko alam ang maalwang buhay dahil ang alam ko lang ay buhay na kasama si Ama.

            Pero alam ko sa aking kalooban na gusto akong ibigay ni Ama sa’yo. Hindi ko alam kung anong pinag-usapan niyo, hindi ko alam kung anong kasinungalingan ang sinabi mo kay Ama, pero sinabi niya sa akin na ayusin ang aking mga konting gamit at sasama daw ako sa’yo. Sinabi niya na bakasyon lang daw yun, pero hindi, hindi mo na ako ibabalik kay Ama.

                Ayaw kong iwan si Ama kung para lang sa’yo. Alam kong mahihirapan si Ama oras na umalis ako sa bahay naming. Mapapariwara si Ama at kung baka mapano pa siya. Hindi ko siya kailanman ipagpapalit sa’yo. Subalit alam kong desidido si Ama, ibibigay niya ako sa’yo…!!! Ayoko!!! Hindi kita kailangan, hindi ngayon at hindi kailanman man.

                Totoong bata ako, pero may sarili akong desisyon, may sarili akong utak. At higit sa lahat nmay sarili akong bibig. Ayoko ko sa’yo!!! Ang sarap ipagsigawan niyan sa mukha mo. Hindi kita gustong makasama, at higit sa lahat ayokong tumira kasama ka!

                Pero sabi ni Ama, kailangan daw, kasi mas mapapabuti ako sa puder mo. Mas makakapag-aral ako sa magandang eskwelahan at higit sa lahat malalayo na ako sa lugar namin na hindi safe para sa katulad kong bata- gusto kong saumagot kay Ama, gusto kong sabihin na wala akong pakialam sa mga bagay nay un. Pero hindi ko magawa dahil sinabi niyang, hindi ako pwedeng tumigil sa poder niya dahil ikaw daw ang nagbigay sa buhay ko, dahil sayo daw kaya nakasama ako ni Ama sa mahabang panahon, dahil sa’yo daw kaya nagging isa siyang ama, at utang niya daw yun sa’yo at ngayon nga ay naniningil ka na sa kanya. Natigilan ako dun, dahil sayo kaya ako buhay? Isang malaking kalokohan. Dahil sayo kaya nging ama siya? Kasinungalingan!

                Kung dahil lang sa buhay na binigay mo may karapatan ka ng kunin ako mula sa taong mahal na mahal ko pwes kaya ko rin sigurong magdesisyon kung ano ang gagawin ko sa buhay na bigay mo at yun ay ayaw ko nito! Kaya naman kikitilin ko ang buhay na meron ako, dahil yun din naman ang kalalabasan nito oras na kunin mo ako ng sapilitan kay Ama.

                Ngunit may paki-usap lang sana ako sa’yo. Sana sa aking paglisan, bago mo iwan si Ama, sana man lang sagutin mo ang mga tanong niya! Kahit yun man lang gawin mo bilang isang tao.

 

                                                                                                                                                                                Bea

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Eren jeager's other books...